Friday, March 30, 2012

Hahaha... after several years, nakapag-post na ulit ako! Yun nga lang, wala akong maisulat. Ay, bali yan... toinks ^_^ hehe

Thursday, October 15, 2009

i realized that the most reliable source of learning is experience. why? look, it's not easy to look for jobs and yet, ang lakas lakas ng loob ko'ng mag-resign sa trabaho... i'm earning not really good but not bad to think na nakakaya naming mag-asawa na tugunan ang lahat ng pangangailangan sa bahay especially when you're spending more than what you can imagine several years back... nung simple pa lang ang mga nangyayari sa buhay... that time, meron ka lang 100 - 200 pesos araw-araw, ligtas ka na sa mga kaaburiduhan ng buhay. e, ngayon klangan makapagtabi kami ng at least 30,000 sa bahay, kuryente at tubig, wala pa ang mga groceries dun at kung-anu-ano pa na bibilhin sa palengeke. siyempre once in a while, lalabas din kami, kakain, papasyal at magugutom sa labas, mauuhaw, makakakita ng laruan ng bata. kasama siyempre ang katulong at hindi mo naman pedeng pabayaan yun bukod pa sa monthly na suweldo....

see! imagine mo kung gaano kabigat ang monthy expenses na yan, isama mo pa jan ang at least 10,000 allowance ng isa ko pang anak na inaalagaan naman ng kan yang lola... hay naku! matagal na itong 1 buwan na walang trabaho at nakakapag-ikot na nga ng puwet.

eto pa ang grabe, klangan kong mag-full payment sa educatinal plan ng panganay ko at due date na on 22 Oct... e di birong amount din yun kse 60k+ yun. kung hindi ko naman babayaran e masasayang yung 1st 4 payments na ginawa na naming mag-asawa kea no choice kundi maglabas ulit ng 60k mahigit next week.

God, it's not a joke... i really need your help in these times of crisis. i need your big hand... please help me to find a job right away.

salamat po!

Tuesday, October 13, 2009

isa, dalawa... tatlo? pangatlo na nga yata ireng blog na ire. yung mga nauna e hindi ko na maalala kung anong mga account names ko dun... lalo na yung password. e katatagal na din ta ay! kaya hinayaan ko na lang at talagang hindi ko maalala...

gayunpaman, eto na naman ang bagong cmula na blog ko... sana naman ay ma-maintain ko ito ng maayos:)

sige po! hanggang sa muli!

God bless us, all!!!

Labels: , ,